Saturday, July 19, 2008

Balisa*

ito na siguro ang isa sa mga hindi pangkaraniwang umaga.
bakit nga naman hindi, 11 am pa lang naman at mukhang nakakapaso na ang sikat ng araw.
stop.

may mali.

mukhang may mali, binigyan mo ng time ang sarili mo mag-isip, mga dalawang minuto para i-figure out that there’s something wrong today.
wala kang maisip.

stop.

sumakit ang ulo mo, hindi pakiramdam mo lang pala na sumasakit ang ulo mo.
ayan masakit na talaga ang ulo mo.
gusto mong umiyak, hindi feeling mo lang din palang umiyak.
ayan umiiyak ka na.

nagsimula kang magtanong gusto mo maging subjective type kaya sisimulan mo ang tanong mo ng bakit, then you tried to be objective—ivory tower trivia like questions mga tanong na ikaw lang ang may alam ng sagot. natatakot kang mag-share, alam mo na kasi kung pano at saan nabibili ang dalawang araw na tulog at kung bakit meron pang ibang planet maliban sa earth. na hindi lang world peace ang hinahanap ng tao.

rewind.

sa goldilocks ka bumili ng apat na pulburon na kakainin mo sa first breyk mo.
rewind ulit.
na late ka ng apat na minuto at tumatakbo ka pa rin dahil late ka rin kahapon at nung isang araw at ayaw mo ng lumagpas lahat ng late mo ng isang oras ngayong buwan.

forward.

umuulan ngayon.

fast forward.

tinitigan mo ang relo ng dalawang beses, eleven na pala ng umaga. tsinek mo ang oras sa celphone mo, eleven na pala talaga ng umaga. napabuntong hininga ka. napabuntonghininga ka ulit. dalawang beses. matagal kang napabuntonghininga ng dalawang beses.
at last you figure out what was wrong. natulog ka pala ng ten ng umaga.
mali nga ang matulog lang ng isang oras.

napapikit ka ulit. matagal.

ito na siguro ang isa sa mga hindi pangkaraniwang gabi.

bakit nga naman hindi, 11 pm pa lang naman at mukhang mahamog na sa labas. tsinek mo ulit ang oras sa celphone mo 11 pm na nga pala talaga.tumatakbo ka na naman, late ka kasi kahapon ng apat na minuto at nung isang araw at nung isang araw pa dahil ayaw mong umabot sa tatlong oras ang late mo ngayong buwan.

hay, makakarating ka rin.


**para sa mga araw na iniisip kita kung ok ka lang.